Panukalang pagbuwag sa Energy Regulatory Commission, tinalakay na sa Kamara

by Radyo La Verdad | May 24, 2018 (Thursday) | 2914

Ang kaliwa’t kanang isyu ng kurapsyon na kinasangkutan ng mga opisyal ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang dahilan kung bakit nais ng ilang kongresista na buwagin na ang ahensya.

Sa panukalag batas na inihian ni Marinduque Representative Lord Allan Jay Velasco, nais nitong tuluyang alisin na ang ERC at palitan ng isang bagong ahensya na tatawaging Board of Energy.

Para maiwasan ang kurapsyon, iminumungkahi ng mambabatas na huwag ng gawing attached agency ng Department of Energy (DOE) ang bubuoing Board of Energy.

Ayon naman kay ERC Chairperson Agnes Devanadera sinisikap nilang solusyunan ang mga isyu ng kurapsyon sa ahensya.

Aminado ito na kailangan ng reform sa ahensya subalit sang-ayon kulang ang kanilang tauhan para mapalakas ang technical section na siyang may mahalagang papel sa pagcocompute ng power rates.

Karamihan aniya sa mga ito ay umalis na at lumipat sa ibang kumpanya.

Samantala, hindi naman tutol ang ERC sa panukalang pagbuwag sa ahensya.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

Tags: , ,