Panukalang libreng tuition sa State Colleges at Universities, pasado na sa third and final reading sa Senado

by Radyo La Verdad | March 14, 2017 (Tuesday) | 1006


Pasado na sa third and final reading ng Senado ang panukalang libreng tuition para sa mga estudyante sa mga State University at Colleges o SUC sa bansa

Labing walong senador ang bumoto pabor sa Senate bill 1304 o ang Free Higher Education for All Act.

Walang bumoto kontra sa panukala at wala ring abstention.

Sa ilalim ng panukalang batas, kuwalipikado ang mga mag-e-enroll pa lamang na kukuha ng kurso sa alinmang state university o kolehiyo sa libreng tuition.

Tinatayang aabot sa labing-anim na bilyong piso ang kinakailangang pondo taon-taon para dito.

Tags: , , ,