Pasado na sa third and final reading ng Senado ang panukalang libreng tuition para sa mga estudyante sa mga State University at Colleges o SUC sa bansa
Labing walong senador ang bumoto pabor sa Senate bill 1304 o ang Free Higher Education for All Act.
Walang bumoto kontra sa panukala at wala ring abstention.
Sa ilalim ng panukalang batas, kuwalipikado ang mga mag-e-enroll pa lamang na kukuha ng kurso sa alinmang state university o kolehiyo sa libreng tuition.
Tinatayang aabot sa labing-anim na bilyong piso ang kinakailangang pondo taon-taon para dito.
Tags: libreng tuition, Senado, State Colleges at Universities, third and final reading