Panukalang isama ang pagtataas ng buwis sa sigarilyo sa tax reform package, pag-aaralan ng senado

by Radyo La Verdad | October 11, 2017 (Wednesday) | 5226

Nagpahayag ng suporta ang Youth for Sin Tax Movement sa isinusulong na panukalang batas ni Senator Manny Pacquiao na isama ang pagtataas ng tobacco tax sa tax reform package 1 ng administrasyong Duterte. Layon nito na makadagdag ng 68 billion pesos sa kaban ng bayan.

Dagdag ng senador, malaking tulong ito lalo na sa kampanya ng administrasyon na itigil ang paninigarilyo na nakakasama sa kalusugan.

Ayon sa chairperson ng Senate Committee on Ways and Means Senator Sonny Angara, pag-aaralan nila ang naturang panukala na ibinase naman sa mga datos.

Ipinaliwanag rin ng senador na mula noong 2012 nang maisabatas ang Sin Tax Law, tumaas na hanggang isandaang bilyon piso ang nakolektang buwis noong 2015.

Kung saan nagpahayag na rin aniya ng pagtitiwala ang Department of Finance na makakakolekta pa sila ng dagdag 24 billion pesos kada taon mula sa Mighty Corporation.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,