MANILA, Philippines – Sumugod kahapon (June 3) sa senado ang ilang grupo para isulong sa huling pagkakataon ang panukalang taasan ang buwis sa sigarilyo.
Sa ilalim ng Senate Bill 2233, ipinapanukala na itaas mula sa P 45 kada pakete ang buwis pagdating ng taong 2020, at madagdagan ng P5 kada taon hanggang sa umabot sa P60 sa taong 2023.
Kumpara sa kamara na hanggang P45 pesos lamang ang itataas na buwis.
“What is important is mapasa na po siya by today para po sa ganun ay for the 2nd of 17th congress ay makuha na po natin yung inaasam asam po natin na pagtaas ng buwis ng sigarilyo primarily for the health objective and also to fund yung universal health care na talaga namang kakailanganin” ani Philippine Heart Center Dr. Encarnita Limpin.
Ayon sa Department of Finance, kinakailangang agad itong maipasa dahil aabot sa mahigit P 60 billion pesos ang kulang na pondo sa pagpapatupad ng universal health care program sa 2020 na unang taon ng implementasyon nito.
Kagabi (June 3) sa botong 20-0, ipinasa na ng senado ang nasabing panukala.
Sinabi na si Senate President Vicente Sotto the third na inaasahan niyang agad na i-adopt ng kamara ang kanilang bersyon.
“We’re trying to thresh out all the proposed amendments today and hopefully at the end of the day we’ll be able to reach it on census on how to go about it because we expect for this to be passed and enacted into law we will ask the house to adopt the senate version.” ani Senate President Vicente Sotto III.
(Nel Maribojoc | Untv News)
Tags: DOH, tobacco tax