Panukalang batas para sa mas mabigat na parusa sa mga nagpapakalat ng bomb threats sa bansa, isinusulong sa Senado

by Radyo La Verdad | August 30, 2016 (Tuesday) | 1432

ROSALIE_SENATE
Isang panukalang batas para sa mas mabigat na parusa sa mga nagpapalaganap ng bomb threats sa bansa ang isinusulong sa Senado.

Sa panukalang batas na ihain ni Senator Grace Poe, nais niyang itaas ang multa sa isang milyon hanggang limang milyong piso at pahabain ang pagkakakulong hanggang labin-dalawang taon.

Layun nito na mababawasan ang insidente ng bomb scare sa bansa.

Sa ilalim ng kasalukuyan batas, ang sinumang nagpapalaganap ng bomb threats ay maaaring makulong ng hindi tataas sa limang taon at pagbabayarin ng multa na maaaring umabot hanggang 40 thousand pesos.

Tags: , ,