MANILA, Philippines – Mabilis na naipasa sa House Committee on Ways and Means ang panukalang batas na naglalayong itaas ang buwis sa alak.
Ginamit ng kumite ang House Rule 10 Section 48 na nagsasabing kapag ang isang panukalang batas ay maituturing na priority measure ay maaari na itong agad aprubahan ng kumite sa pamamagatin ng majority vote dahil ito ay tinalakay at naipasa na noong 17th Congress.
Nakapalood dito na itataas ng 10% ang preso ng mga alak. Ang pondong makakalap ng pamahalaan na gagamitin naman para pondohan ang Universal Health Care program ng gobyerno.
Kabilang rin ito sa mga panukalang batas na binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Ika-Apat na SONA.
“To prevent first time drinking kaso mas mataas po by 4 is to 1 the deaths cause by alcohol is 4 times higher than deaths cause by tobacco from age 20-30.”ani House Committee on Ways and Means Chairman, Rep. Joey Salceda.
43 mga kongresista ang bumoto pabor para ipasa sa kumite ang House Bill number 1026.Tiniyak naman ng kumite na bibigyan ng pagkakataon ang mga kongresista na nais busisiin ang panukalang batas sa isasagawang deliberasyon sa plenaryo.
“How can we continue intelligently on this bill if we the returnees and the first timers were not present in the full deliberations in the previous congress?” ani Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez.
“We are affording in fact the 80 new comers to make a footprint to this vital legislation in nation building.” ani House Committee on Ways and Means Chairman, Rep. Joey Salcelda.
Samantala tinatalakay na rin ng kumite ang trabaho bill na naglalayong ibaba sa 20-25% ang corporate income tax mula sa kasalukuyang 30%.
Kapag naisabatas, inaasahang makaaalit ito ng mas maraming investors na mamuhunan sa bansa na magdadala ng mas maraming trabaho.
(Grace Casin | Untv News)
Tags: buwis, House of Representatives