Panukalang batas na poprotekta sa mga kabataang biktima ng kaguluhan at kalamidad,lusot na sa Senado

by Radyo La Verdad | February 2, 2016 (Tuesday) | 5334

senate-generic
Aprubado na sa 3rd and final reading ang Senate Bill No. 3034 o ang Children’s Emergency Relief and Protection Act.

Sa ilalim ng nito, ang mga kabataan ang prayoridad na mabigyan ng proteksyon at ayuda habang nagaganap at hanggang matapos ang mga kaguluhan at kalamidad.

Makatutulong din ito na mabawasan ang kanilang trauma at magkaroon ng kasanayan sa mga dumarating na kalamidad.

Sa ilalim rin ng panukala, isusulong ang pagkakaroon ng child-centered training para sa mga disaster first responders, mga guro, psychologists at iba pang volunteers sa disaster recovery, relief and rehabilitation, at pagkakaroon ng special modules na gagamitin sa pagtuturo sa mga kabataan.

Base sa datos ng save from children, anim na milyong mga kabataan ang labis na naapektuhan ng super Typhoon Yolanda.

(Meryll Lopez / UNTV Radio Reporter)

Tags: , , ,