Panukalang batas na naglalayong mapalakas ang livestock, poultry at dairy industry, planong ihain sa Senado

by Radyo La Verdad | August 22, 2017 (Tuesday) | 2611

Target ni Senate Committee on Agriculture Chairperson Senator Cynthia Villar na maghain ng Senate Bill na naglalayong mapalakas ang livestock, poultry at dairy industry sa bansa.

Ayon sa senador, pumapangalawa sa pagsasaka ang livestock, poultry and dairy industry sa nakapagbibigay ng malaking ambag sa produksyon ng agrikultura sa bansa.

Kaugnay nito, iimbestigahan din komite ni Senator Villar ang Bird flu outbreak sa Pampanga na malaki ang epekto sa poultry industry. Ngunit sa ngayon ay wala munang itinakda na pagdinig dahil abala pa ang mga tauhan ng Department of Agriculture sa pagresolba sa problema. Subalit oras na maiayos na ang sitwasyon nais ng senadora na matalakay kung paano maiiwasang maulit ang outbreak.

Samantala kabilang din sa isinusulong ni Senator Villar ang urban gardening partikular na sa mga bakanteng lote sa mga subdivision at barangay. Nitong nakaraang Linggo, pinangunahan ng mamababatas ang pagtatanim ng mga bakawan at paglulunsad ng urban gardening sa Baseco compound sa Maynila.

 

(Leslie Longboen / UNTV Correspondent)

Tags: , ,