Panukalang 100 days maternity leave, pasado na sa Kamara

by Radyo La Verdad | September 5, 2018 (Wednesday) | 2920

Pasado na sa 3rd and final reading sa Kamara ang House Bill Number 4113 panukalang gawing 100-day ang maternity leave.

191 na mga kongresista ang na bumoto pabor dito habang walang sinoman ang tumutol.

Pero sa bersyon na una nang pinasa ng Senado, 120-days ang maternity leave ang nais nilang ibigay sa mga nanay at dagdag na 30 days para sa mga solo working mothers.

Kailangan na lamang pagsamahin ang bersyon nito ng Senado at Kamara sa bicameral conference committee bago lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte at maging ganap na batas.

Sa kasalukuyan 60-78 days lang ang maternity leave with pay sa bansa.

Tags: , ,