Panibagong Oil Price Hike, epektibo na ngayong araw (Oct. 18)

by Radyo La Verdad | October 18, 2022 (Tuesday) | 4072

METRO MANILA – Sa ikalawang sunod na Linggo, muli na namang nagpatupad ng dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

Epektibo kaninang 12:01am, unang nagpataw ng P0.80 increase sa presyo ng kada litro ng gasolina ang Caltex Philippines Incorporated. P2.70 naman ang nadagdag sa presyo ng Diesel.

Habang tumaas naman ng P2.90 ang kada litro ng  Kerosene.

Nagpataw din ng kaparehong price hike sa kada litro ng gasolina, Diesel at Kerosene ang kumpanyang Shell, Petron, Seaoil at Flying V kaninang alas-6 ng umaga.

Samantala, ang Unioil, Total Philippines, Phoenix Petroleum, Petrogazz, PTT Philippines at Jetti petroleum naman ay magdadagdag din ng otsenta  sentimos sa presyo ng kada litro ng gasolina. Habang P2.70 naman ang itataas sa presyo ng Diesel.

Magpapatupad din ng kaparehong price increase sa kada litro ng gasolina at diesel ang Cleanfuel simula naman mamayang 4:01 ng hapon.

Tags: