Panibagong laban sa Korte Suprema, kakaharapin ni Sen. Grace Poe

by Radyo La Verdad | May 12, 2016 (Thursday) | 2450

GRACE-POE
May panibagong laban na kakaharapin si Senador Grace Poe matapos itong mabigo sa kanyang kandidatura sa pagkapangulo.

Ito ay ang kanyang quo warranto proceedings na naglalayong matanggal siya sa pagka senador dahil sa isyu ng kanyang citizenship na nakabinbin sa Korte Suprema.

Naghain na ng urgent motion ang kampo ng petitioner na si Rizalito David upang maitakda na ang oral arguments sa kaso na isasagawa sana noong enero ngunit ipinagpaliban ng mataas na hukuman.

Una nang naglabas ng desisyon ang senate electoral tribunal pabor kay Poe ngunit hindi sumang-ayon dito ang tatlong mahistrado ng korte suprema.

Nagdesisyon na rin ang Supreme Court pabor kay Poe sa hiwalay na kaso kaugnay ng kanselasyon ng kanyang Certificate of Candidacy sa pagkapangulo ngunit pito lamang sa labinlimang mahistrado ang sumang-ayon dito.

(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)

Tags: ,