Dagdag presyo sa mga produktong petrolyo, ipinatupad ng ilang kumpanya ng langis

by Radyo La Verdad | August 29, 2017 (Tuesday) | 2783

Muling nagpatupad ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis ngayong araw.

Trenta y singko sentimos kada litro ang madadagdag sa halaga ng gasolina ng flying v, beinte sentimos naman sa diesel at kerosene.

Kaparehong halaga rin ang ipatutupad price hike ng Phoenix petroleum sa gasolina at diesel ngunit walang magiging paggalaw sa presyo ng kanilang kerosene.

 

 

Tags: , ,

Bigtime Oil price hike ipatutupad ng mga oil company bukas, rollback sa presyo ng LPG ipatutupad naman ngayong araw

by Erika Endraca | July 1, 2019 (Monday) | 73963

MANILA, Philippines – Epektibo na simula bukas (July 2) araw ng Martes ang bigtime oil price hike.

Ito ang ikatlong beses na tataas ang presyo ng produktong petrolyo matapos ang serye ng mga rollback ilang linggo na ang nakakaraan.

Ayon sa mga industry player, P0.95 kada litro ang itataas ng presyo ng Diesel, P1.20 kada litro ang itataas ng gasolina habang P1.00 kada litro naman sa Kerosene.

Samantala, magkakaroon naman ng mahigit P3.00 kada kilo na rollback sa presyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG) simula ngayong araw (July 1).

P3.40 per kilo ang rollback ng petron at phoenix sa lpg habang P3.36 naman per kilo sa solane.

Bukod dito may rollback din sa presyo ng Auto lpg na P1.90 kada litro.

Ang dagdag at bawas sa presyo ng lpg at produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw sa presyo ng langis sa world market.

Samantala, pinagbigayan ng Makati Regional Trial Court ang petisyon ng Philippine Institute of Petroleum para sa Temporary Restraining Order (TRO) sa fuel unbundling order.

Ayon sa mga industry player, siguradong mauuwi sa regulasyon o pag-control sa presyo ang naturang kautusan.

Sa ngayon ay umiiral ang oil deregulation law kung kaya’t walang kontrol at hindi dapat makialam ang pamahalaan kung paano pinipresyuhan ang produktong petrolyo ng mga oil companies, pero tutol ang Department of Energy(DOE).

Ayon naman kay Laban Konsyumer President Vic Dimagiba, karapatan ng publiko na malaman kung paano pinapresyuhan ng mga oil company ang produktong petrolyo.

Kaya naman nagdududa ang kanilang grupo sa pagtutol ng mga oil company sa fuel unbundling order.

Samantala nanindigan ang DOE na itutuloy nila ang pagpapatupad sa kautusan sa fuel undundbling matapos ang effectivity ng TRO.

(Mon Jocson | Untv News)

Tags: , , , ,

Presyo ng produktong petrolyo, posibleng tumaas na naman

by Radyo La Verdad | March 8, 2019 (Friday) | 58389

METRO MANILA, PHILIPPINES – Matapos ang dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo noong nakaraang Martes, inaasahan na naman ang pagtaas ng presyo ng langis sa susunod na lingo.

Ayon sa mga industry player, posibleng madagdagan ng piso ang presyo ng gasolina habang nasa lima hanggang sampung sentimo lamang ang diesel.

Nilinaw ng mga oil company na hindi pa ito pinal dahil mayroon pang natitirang ilang araw na trading day bago ang final adjustment sa presyo ng produktong petrolyo.

Tags: , , ,

Dagdag-presyo sa produktong petrolyo, asahan ngayong linggo

by Jeck Deocampo | January 7, 2019 (Monday) | 56307

METRO MANILA, Philippines – Matapos ang isang buwang sunod-sunod na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, posible namang tumaas ngayong linggo ang halaga ng langis.

Ayon sa oil industry players, ₱.80 hanggang ₱.90 ang madaragdag sa halaga kada litro ng gasoline. ₱.60 to ₱.70 naman sa diesel at ₱.40 to ₱.50 sa kerosene.

Ngunit hindi pa anila ito dahil sa second tranche ng excise tax sa langis sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion.

Isa anilang dahilan nito ay ang paggalaw ng presyo sa international market matapos kumalas ang Qatar sa Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC).

Tags: , , ,

More News