Panibagong bawas-presyo sa mga produktong petrolyo, inaasahan sa susunod na linggo

by Radyo La Verdad | November 2, 2018 (Friday) | 4865

Inaasahang muling matatapyasan ang presyo ng kada litro ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa oil industry players, nasa seventy centavos ang maaaring mabawas sa kada litro ng gasolina at diesel, ngunit wala naman nakikitang paggalaw sa presyo ng kerosene.

Ang oil price rollback ay dahil pa rin sa patuloy na pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Kung matutuloy ang rollback, ito na ang ikaapat na sunod na linggo na magkakaroon ng bawas sa presyo ng langis.

Tags: , ,