Pangulong Rodrigo Duterte, nasa Cambodia na para sa isang araw na state visit

by Radyo La Verdad | December 14, 2016 (Wednesday) | 757

pres-duterte-in-cambodia
Nasa Cambodia na si Pangulong Rodrigo Duterte para sa isang araw na state visit.

Pasado alas sais ng gabi nang lumapag ang eroplanong sinasakyan nito sa Phnom Phen.

Agad itong dumiretso sa Sofitel Phnom Penh Hotel kung saan mainit itong sinalubong ng mga kababayan nating nagtitipon-tipon sa lugar.

Samantala, ngayong araw ay inaasahang makikipagkita si Pangulong Duterte kay Cambodian King Norodom Sihamoni at Prime Minister na si Hun Sen.

Inaasahang matatalakay ng mga ito ang kaugnay sa regional defense at security issue.

Tags: ,