Pangulong Duterte, wala pang napipiling susunod na chief justice

by Radyo La Verdad | October 10, 2018 (Wednesday) | 7682

Wala pang napipiling susunod na chief justice si Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasunod ito ng pagreretiro ni Chief Justice Teresita De Castro ngayong araw.

Nag-umpisa na ang Judicial and Bar Council na manawagan sa mga aplikasyon para sa susunod na punong mahistrado ng Korte Suprema.

Samantala, inihayag naman ni Pangulong Duterte na posibleng isang Filipino-Chinese businessman ang maging administrator ng National Food Authority (NFA).

Hahali ito kay Jason Aquino na pinahintulutang magbitiw sa pwesto ni Pangulong Duterte.

 

 

Tags: , ,