Pangulong Duterte, tinanggal na sa pwesto si BuCor Chief Faeldon

by Erika Endraca | September 5, 2019 (Thursday) | 1554

MANILA, Philippines – Tinanggal na sa pwesto ni pangulong rodrigo duterte si Bureau Of Corrections (BuCor) Director General Undersecretary Nicanor Faeldon.

Batay naman sa pahayag ni Faeldon, maluwag niyang tinatanggap ang desisyon ni Pangulong Duterte.

Ipinauubaya naman ng Punong Ehekutibo  sa Office of the Ombudsman ang malalimang imbestigasyon sa ginawang pagpapatupad ng BuCor sa Good Conduct and Time Allowance  (GCTA).

Naniniwala rin siyang may katiwalian sa kawanihan. Kaya naman inutusan niya rin ang Department of Justice (DOJ) na mag-takeover sa pagpapatupad ng GCTA.

Ipinag-utos na rin ng Pangulo  ang pag-aresto sa kulang 2,000 inmates na sentensyado dahil sa karumal-dumal na krimen subalit pinalaya dahil sa GCTA system.

Samantala,ipinagtanggol naman ni Pangulong Duterte si Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa ginawa nitong pag-refer ng kahilingan ng pamilya ni Sanchez sa board of pardons and parole na mabigyan ito ng pardon.

Ayon sa pangulo, di ito maituturing na conflict of interest at nananatili ang kaniyang tiwala kay Panelo.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: