Pangulong Duterte, pinayuhan ng kaniyang dermatologist sa pangingitim ng kaniyang mukha

by Radyo La Verdad | October 19, 2018 (Friday) | 3692

Bukod sa nabilad sa ilalim ng araw nang bumisita sa bansang Jordan at sa malimit nitong pagbisita sa mga kampo ng militar, inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isa pang dahilan kung bakit nangingitim ang kaniyang mukha.

Aniya, mali ang ginamit niyang pamahid sa mukha. Isa umanong dermatologist ang bumisita sa kaniya hinggil sa pangingitim ng kaniyang mukha.

Pinayuhan siya nitong gamitin ang ilan lamang partikular na skin care products. Sa huli, sinabi ng punong ehekutibo na hindi naman batayan ang kulay ng isang tao kundi ang karakter nito.

Una nang iniuugnay ni Communist Party of the Philippines (CPP) Founder Joma Sison ang pangingitim ng mukha ni Pangulong Duterte sa pagkakaroon umano nito ng malubhang sakit na pinabulaanan naman ng punong ehekutibo.

Gayunman, ayon naman sa Pangulo, sumailalim siya sa ilang medical procedures para suriin ang kaniyang digestive system at sinabing batay sa resulta ng tests, cancer-free siya.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,