Pangulong Duterte, papalitan na si BOC Comm. Nicanor Faeldon

by Radyo La Verdad | August 22, 2017 (Tuesday) | 1690

Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtanggap nito sa resignation ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Ilalagay naman nitong kapalit ni Faeldon bilang bagong pinuno ng BOC ang Director General ng Philippine Drug Enforcement Agency na si Retired Police General Isidro Lapeña.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa isang pulong balitaan sa bahay pagbabago sa Malakanyang kagabi. Una nang sinabi ng Pangulo na tatlong beses lumapit sa kanya si Faeldon upang magbitiw sa pwesto dahil sa katiwalian sa BOC ngunit hindi niya pinagbibigyan. Ipauubaya na ng punong ehekutibo kay Lapeña ang massive reorganization sa BOC.

Mayroon na ring napipisil si Pangulong Duterte na bagong pinuno ng PDEA.  

Ayon sa Pangulo kakailanganin niya pa rin ang serbisyo ni Faeldon subalit wala pa itong desisyon kung saang ahensya ng pamahalaan ito itatalaga.

Isa ang BOC sa idinahilan ng Pangulo kaya’t hindi niya aniya kakayaning lubusang solusyunan ang suliranin sa droga sa bansa sa loob ng kaniyang termino.

Ngunit sa unang panayam ng programang Get It Straight with Daniel Razon kay Faeldon, sinabi niya na kung mawawala siya sa Bureau of Customs, isang bagay lang ang dahilan nito, hindi siya nag-resign, kundi  sinipa siya ni Pangulong Duterte.

 

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

 

 

Tags: , ,