‘Di tulad ng nauna nitong ipinahayag, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘di niya itinatalagang miyembro ng kaniyang gabinete si Vice President Leni Robredo. ‘Di raw aniya siya pumirma ng appointment paper nito para mai-appoint ang Bise President na maging cabinet member.
Ayon sa Punong Ehekutibo, ‘di sila pareho ng partido ng VP at ‘di siya nakatitiyak kung ang mapag-uusapan sa cabinet meeting ay ‘di nito ihahayag sa labas.
Kinumpirma naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, na ‘di cabinet post ang pagiging drug czar o co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Drugs, at nasa diskresyon ng Pangulo na i-appoint ang VP na cabinet member o hindi.
(Rosalie Coz | UNTV News)
Tags: duterte, President Rodrigo Duterte, Vice President Leni Robredo