METRO MANILA – Tuloy ang gagawing imbestigasyon ng tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga napaulat na aberya, iregularidad at kapabayaan sa hosting ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian SEA Games. Ito ang tiyak na gagawin ng pangulo oras na matapos na ang naturang event.
Subalit, naniniwala si Pangulong Duterte na kung may alegasyon man ng katiwalian sa pag-organisa ng multi-sport event, di kasabwat dito si House Speaker Alan Peter Cayetano, ang Chairperson din ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC).
“He has to answer but I do not think that corruption is, I am sure Cayetano is not involved in corruption.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa susunod din aniyang mag-organisa ng multi-sports event sa bansa, uutusan niya ang mga planner sa militar na tumulong sa preparasyon.
Para sa pangulo, sa laki ng pondong inilaan para sa hosting ng bansa sa SEA Games, dapat naging maayos ang pag-handle nito kaya hihingin niya rin ang tulong sa pag-iimbestiga ng mga retired auditor pagkatapos ng event. Subalit sa ngayon, maiging mag-concentrate muna aniya ang pamahalaan sa pagsaludar sa mga atleta.
“I am not investigating cayetano and the rest. I’m just trying to find out because i think — I said the money must not have been properly disbursed kasi… I know that Cayetano cannot handle everything. He has to delegate this ‘yung ganon. You have a different levels of echelons you know. There’s a supervisor then lahat na for this carried out properly.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.
(Rosalie Coz | UNTV News)
Tags: 2019 Sea Games hosting, house speaker, Pangulong Rodrigo Duterte