Pangulong Duterte, nanindigang tuloy ang anti-drug war sa kabila ng mga pambabatikos

by Radyo La Verdad | August 24, 2017 (Thursday) | 1800

Hindi takot si Pangulong Rodrigo Duterte na bumaba ang kaniyang popularidad maipatupad lang ang kaniyang anti-drug war. 

Anito, di niya hahayaang makompromiso ang susunod na henerasyon lalo na at dinatnan niyang malala na ang suliranin sa iligal na droga at di niya rin alam kung sino ang hahalili sa kaniya.  

Handa aniya siyang managot sa kaniyang anti-drug war, maiwasan lang aniyang tuluyang mailugmok sa pagiging narco-country ang Pilipinas.

Binigyang-diin naman nitong wala siyang utos sa pulis o sundalo na patayin ang sinomang hindi nanlalaban at wala siyang balak na ipagtanggol ang sinomang umaabuso sa kaniyang tungkulin.

 

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,