Pangulong Duterte, na-offend sa pahayag ni resigned DDB Chief Santiago ukol sa drug rehab center

by Radyo La Verdad | November 9, 2017 (Thursday) | 1759

Nagsalita na si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng pagbibitiw sa pwesto ni Dangerous Drugs Board Chief Dionisio Santiago.

Sa talumpati nito bago umalis ng bansa patungong Vietnam kahapon, sinabi ng Pangulo na-offend siya sa pahayag ni Santiago na “miscalculation” sa panig ng pamahalaan ang ginawang pagpapatayo ng bilyong pisong halaga ng mega drug rehabilitation sa Nueva Ecija.

Dismayado ang Pangulo na naglabas ng pahayag sa media si Santiago sa halip na makipag-usap sa kaniya.

Ayon kay Pangulong Duterte, ang mga kritisismo ng dating DDB Chief ay upang “makisakay” umano sa mga sentimyento kaugnay ng war on drugs ng pamahalaan.

Taliwas sa mga aksyon nito noong siya pa ang pinuno ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.

Sa ngayon ay wala pa umanong napipili ang Pangulo na posibleng pumalit kay Santiago.

 

( Macky Libradilla / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,