Pangulong Duterte, kakausapin si Sec. Roque kaugnay ng political plans nito

by Radyo La Verdad | October 12, 2018 (Friday) | 2634

Nais linawin ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Presidential Spokesperson Harry Roque ang kanyang mga plano sa mga susunod na araw.

Ayon sa Pangulo, kakausapin niyang mabuti si Roque dahil sa pabago-bago nitong isip kaugnay ng 2019 midterm elections.

Pinayuhan naman nito si Sec. Roque na ipagpaliban na lang sa 2021 election ang political plans nito upang magkaroon ng mas mahabang panahon upang makapaghanda.

Nilinaw naman ng Pangulo na pansamantala lang ang pagkakatalaga niya kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo bilang tagapagsalita.

Samantala, hindi pa masabi ng Pangulo kung anong posisyon ang ibibigay kay Roque sakaling hindi ito tutuloy sa kanyang senatorial bid.

Una nang sinabi ni Roque na hindi pa siya sigurado kung tatakbo talaga bilang senador.

 

( Dianne Ventura / UNTV Correspondent )

Tags: , ,