MANILA, Philippines – Handang ibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P6-M halaga sa makakapagsuplong sa lider ng mga pumaslang sa 4 na pulis sa Negros Oriental.
Hinihinala ng pamahalaan ang New People’s Army (NPA) ang nasa likod ng ambush. Handa ring ipagkaloob ng presidente ang reward money sa pulis o sibilyang makakatugis sa naturang mga suspek.
Ginawa ng pangulo ang pahayag sa oath-taking ng mga Newly –Promoted Philippine National Police Generals sa Malacañang Kagabi (August 8).
“Kaya itong npa, galit ako dito. Kaya gusto kong malaman kung sila na ba? Kay kung hindi pa sila, dadagdagan ko pa ng isang milyon. So at this time, it is 6 million. Irrespective police or civilian, kung sinong makatiklo niyan, six million na ‘yan.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.
Samantala, nagpahayag naman ang pangulo ng kahandaang magkaloob ng sapat na intelligence fund ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglaganap ng cocaine.
“Bakit marami ngayon ang cocaine? Give me the answer. It’s right and left eh. So i’ll give you enough money for intelligence work. Spend it so that you can solve the problem. Magbibigay ako ng intelligence fund. Just enough”. ani Pangulong Rodrigo Duterte
(Rosalie Coz | Untv News)