Pangulong Duterte, ipinagtanggol ang son-in-law

by Radyo La Verdad | August 30, 2017 (Wednesday) | 1417

Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang son-in-law na si Atty. Manases o Mans Carpio matapos madawit din ang pangalan nito sa umano’y katiwalian sa Bureau of Customs. Si Mans ang asawa ng kaniyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte.

Nauna nang sinabi ni Mans na kinakatawan nito ang maraming kliyente na may transaksyon sa Bureau of Customs.

Bukod dito, nilinaw rin ng Pangulo ang kaugnayan ni Davao City Vice Mayor Paolo ‘Pulong’ Duterte, ang kaniyang pinakamatandang anak na lalaki sa isang Lovely Sumera. Napaulat din aniya na bumisita si Sumera sa BOC.

Muli namang binigyang-diin ng Pangulo na handa siyang magbitiw sa pwesto oras na mapatunayang sangkot ang sinoman sa kaniyang mga anak sa katiwalian.

 

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

 

 

 

Tags: , ,