Pangulong Duterte, iginiit na hindi dapat mangamba sa seguridad ng National ID System

by Radyo La Verdad | August 7, 2018 (Tuesday) | 2868

Pinirmahan sa Malacañang kahapon ni Pangulong Duterte ang Philippine Identification System (PhilSys). Ito ang magbibigay-daan sa pagkakaroon ng sarili at opisyal na identification number ng bawat isang Pilipino o residente sa bansa.

Umapela ang Pangulong Duterte na suportahan ng lahat ang national ID system na pinaniniwalaang magpapabilis sa paghahatid ng serbisyo ng mga ahensya ng pamahalaan. Limang taon mula 2019 ay inaasahan ang full implementation ng batas.

Ang Philippine Statistics Authority (PSA) ang inatasang manguna sa pagpapatupad nito katuwang ang 13 iba pang ahensya ng pamahalaan.

Pinawi naman ni Pangulong Duterte ang pangamba ng iilan na makokompromiso ang security at privacy dahil sa national ID system.

( Bernard Dadis / UNTV Correspondent )

Tags: , ,