Pangulong Duterte hindi kailangan hintayin ang rekomendasyon ng iba sa pagpili ng susunod na PNP Chief – Malacañang

by Erika Endraca | October 10, 2019 (Thursday) | 4450
PHOTO : PRESIDENTIAL COMMUNICATION

MANILA, Philippines – Hindi kailangang hintayin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng iba bago pumili ng magiging susunod na pinuno ng pambansang pulisya dahil siya na mismo ang nagiimbestiga kung sino ang karapatdapat para sa naturang posisyon ayon sa Malacañang.

“Hindi naman nag-aantay ng rekomendasyon ang presidente eh, haven’t you noticed? Palaging siya, sarili niya. Siya ang nag-iimbestiga, nagbe-vet” ani Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo.

Gayunman, si Pangulong Duterte ang nagsabing kinakailangan niya ring komunsulta at maging maingat sa pagpili ng next PNP Chief.

“( Mr. President, mag-re-retire na po si general albayalde by november. May next chief pnp na po kayo nasa mind niyo?) Not yet. ‘yan ang mahirap. We have to they call it vet. I have to consult everybody. Maya-maya madapa na naman tapos ako ang magkaroon ng problema.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa palasyo, simple lang ang katangian na hinahanap ng Pangulo sa itatalaga niyang PNP Chief: angkop ang kakayahan at matapat subalit, mahalaga rin aniya ang reputasyon.

“Sometimes, siguro he appoints on the basis of reputation preceding the appointee; kung maganda ang reputasyon sa labas.” ani Presidential Spokesperson  Secretary Salvador Panelo.

(Rosalie Coz | UNTV NEWS)

Tags: ,