Ipinauubaya na ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang pag-iimbestiga laban sa mga tinatawag na ninja cop o mga pulis na sangkot sa pagre-recycle ng nakumpiskang iligal na droga.
Hahayaan din ng Pangulong matapos ang ginagawang imbestigasyon ng Senado kaugnay nito kabilang na ang pagkakadawit kay Philippine National Police Chief General Oscar Albayalde.
“So the most proper thing to do, which is in line with procedural due process, is to await for the closure of the investigation by the Senate and when it is forwarded to me since it is under — the police is under DILG. It’s a bureau under Secretary Año. So i will forward it to him, give him specific period to complete his investigation,” sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Dagdag pa ng Punong Ehekutibo, kinakailangang may sapat na batayan at ebidensya bago siya gumawa ng kaukulang hakbang.
“If comes — if it comes to a serious thing as dismissing a top official here and there, it has to be for a good reason and there must be enough proof,” ani Pangulong Duterte.
Aminado ang Pangulo sa pananatili ng presensya ng mga tiwaling pulis.
Gayunman, kumpyansa pa rin ang Pangulo sa pambansang pulisya.
“Alam mo ang PNP is not that bad. By and large, we have a very good PNP working for our country. Iyong scalawags diyan sa ‘yung ninja cops have been there in Manila, one or two in Davao, and everywhere,” dagdag ni Pangulong Rodrigo Duterte.
(Rosalie Coz | UNTV News)
Tags: DILG, Pang. Duterte vs ninja cops, Pang. Rodrigo Duterte, “ninja” cops