Pangulong Duterte, binilinan ang Mislatel Consortium na putulin ang duopoly sa telco industry sa bansa

by Erika Endraca | July 9, 2019 (Tuesday) | 4651

MANILA, Philippines – Binilinan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ikatlong telecommunications player sa bansa- ang Mindanao Islamic Telphone Co. o Mislatel Consoritum na putulin ang duopoly sa telco industry sa bansa.

Kagabi (July 8), ipinagkaloob ng punong ehekutibo sa mislatel ang certificate of public convenience and necessity. Layon nitong pag-ibayuhin ang internet speed sa bansa mula 4.5 mbps sa 55 mbps sa loob ng limang taon.

Nakapasa na ang mislatel sa mahigpit na pununtunang ibinigay ng national communications commission, securities and exchange commission at philippine competition commission. Nakapaglagak na rin ito ng performance security bond na nagkakahalaga ng 25.7 billion pesos.

Let me take this opportunity to pose this challenge to mislatelbreak the prevailing duopoly in the telecommunications industry and fulfill your commitment to provide better telco services to our people. To our people, i encourage you to take advantage of the many opportunities arising from a more vibrant telecommunications industry by engaging in productive ict-based undertakings.  Expand your businesses, engage in online jobs, avail of online learning and training opportunities, and participate in productive public discussions.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

 (Rosalie Coz | Untv News)

Tags: , ,