Pangulong Aquino, pangungunahan ang ika-30 anibersaryo ng EDSA bukas

by Radyo La Verdad | February 24, 2016 (Wednesday) | 1305

JERICO_PNOY
Pangungunahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagdiriwang ng ika 30 aniberaryo ng EDSA People Power bukas ng umaga.

Alas siyete magsisimula ang programa sa pamamagitan ng flag raising ceremony sa EDSA People Power Monument.

Makakasama ng Pangulo sa programa ang mga alkalde sa Metro Manila.

Pagkatapos ng programa ay agad na tutungo ang Pangulo sa Camp Aguinaldo upang tingnan ang People Power Experiential Museum.

Ayon kay EDSA People Power Commission (EPPC). Asst. Secretary Celso Santiago, ang pagdiriwang bukas ay nakasentro sa mga kabataan.

Asahan na aniya ang pagdagsa ng mga kabataan sa isasagawang programa.

Bibigyang diin aniya sa programa ang tema nitong ‘Pagbabago: Ipinaglaban Ninyo, Itutuloy Ko’.

Samantala, tiniyak naman ng naturang komisyon na walang mangyayaring pangangampanya ng sinumang kandidato sa pagdiriwang ng EDSA.

(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)

Tags: , ,