Nanindigan si Pangulong Aquino na walang dayuhan na lumahok sa operasyon ng PNP Special Action Force laban sa teroristang si Marwan.
Nilinaw ito ng pangulo matapos na kumalat ang isang video na nagpapakita ng isang bangkay ng dayuhan sa lugar kung saan nakaengkuewentro ng SAF ang ilang tauhan ng MILF, BIFF, at private armed groups.
Ayon sa pangulo, walang dayuhan sa hanay ng SAF sa kanilang operasyon base na rin sa mga impormasyon sa mga agensya ng pamahalaan.
Dagdag pa ng Pangulo, hindi ipinahihintulot ng ating saligang batas ang pagsama ng banyaga sa mga operasyon laban sa terorista sa bansa.(Jerico Albano/UNTV Radio Correspondent)