Nakabalik na sa bansa si Pangulong Aquino mula sa kanyang biyahe sa Canada at Chicago, Illinois.
Dumating ang Pangulo bandang alas-tres kaninang madaling araw sakay ng chartered flight.
Halos isang linggo ring bumiyahe ang Pangulo, kung saan tatlong araw dito ay iginugol niya sa pag-iikot sa ilang bahagi ng Canada habang overnight working visit naman ang ginawa niya sa Chicago, Illinois.
Sa kanyang pag-uwi sa bansa, ibinida niya ang naging resulta ng kanyang pakikipag-pulong sa iba’t ibang business groups na nangakong mag-iinvest sa Pilipinas.
Tags: Pangulong Aquino