Pangulong Aquino, magiikot sa mga pangunahing bus terminal, pantalan, at paliparan ngayong araw

by monaliza | March 29, 2015 (Sunday) | 2898

AIRPORT

Magiikot ng personal si Pangulong Benigno Aquino III para inspeksyunin ang ilang lugar para matiyak ang seguridad ng mga biyahero sa nalalapit na long holiday.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na taon-taon itong ginagawa ng Pangulo magmula ng maupo ito sa pwesto noong 2010.

Ilan sa mga lugar na maaring dalawin ng Pangulo ang mga pangunahing bus terminal, shipping port, mga paliparan pero hindi binigay ni Lacierda ang kabuuang detalye sa pagiikot ng Pangulo pero asahan na ilalabas nila ang naturang impormasyon ngayong araw.

Nagpaalala naman ang Palasyo sa mga motorista na magingat sa pagmamaneho maging ang mga common carrier dahil sa dami ng pasahero na sakay paalis at pabalik ng kani-kanilang destinasyon.

Inaasahan na dadagsa sa mga pantalan, pier at paliparan ang mga mananakay lalo’t sa Huwebes na ang simula ng long holiday ng mga manggagawa.

Tags: , , , , , , ,