Pangulong Aquino, magbibigay ng televised address kaugnay ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro

by monaliza | March 27, 2015 (Friday) | 1061

pnoy-2
Nakatakdang magbigay ng nationwide address si Pangulong Benigno Aquino na ieere sa mga radyo at telebisyon mamayang alas-2:00 ng hapon.

Ayon sa ipinadalang impormasyon ng malakanyang, pangunahing tatalakayin ng pangulo ang mga usapin sa Comprehensive Cgreement on the Bangsamoro.

Ngayong araw mismo ang ika-isang taon mula nang malagdaan ng pamahalaan at moro islamic liberation front ang comprehensive agreement on the Bangsamoro.

Nakapaloob sa cab ang framework agreement at annexes kung saan nakasaad ang pagtatatag ng Bangsamoro government na ipapalit sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Naging batayan din ito ng pagtatatag ng isang transition commission para sa pagbabalangkas ng Bangsamoro Basic Law.

Sa mga nakalipas na buwan ay naging malaking usapin ngayon ang pagsusulong ng panukalang Bangsamoro Basic Law dahil sa January 25 Mamasapano operation kung saan 44 na miyembro ng PNP-Special Action Aorce (PNP-SAF) ang nasawi.(Nel Maribojoc,UNTV Correspondent)