Pangulong Aquino kasama sa iniimbestigahan ng Ombudsman kaugnay sa issue ng DAP

by Radyo La Verdad | September 1, 2015 (Tuesday) | 1275

MOROLES
Anumang araw ngayong buwan ay reresolbahin na ng Office of the Ombudsman ang lahat ng Disbursement Acceleration Program o DAP related cases na inihain sa ahensya.

Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio Morales, tapos na at ine-evaluate na lamang niya ang field investigation report bago magdesisyon ang Ombudsman kung ito ay may sapat na ebidensya upang sumalilalim sa preliminary investigation.

Humingi naman ito ng pang-unawa sa mga kongresista kung bahagyang natatagalan ang kanilang imbestigasyon.

Aniya, maraming repondents sa kaso at ang ilan dito ay humihingi ng extensyon sa paghahain ng sagot sa kaso habang ang ilan naman hindi nila mahanap ang address.

Gayunman tiniyak ng Ombudsman na pinag-aaralan nilang mabuti ang bawat kaso kung ito ay may basehan o wala.

Sinabi pa ni Morales na patuloy ang kanilang imbestigasyon sa mga reklamong nakasampa na may kaugnayan sa Malampaya Fund, Fertilizer Fund at ang kontrobelsyal na PDAF scam.

Nakatakda namang maghain ng Motion for Reconsideration ang Ombudsman sa Supreme Court kaugnay sa pag-grant nito ng bail petition ni Sen. Juan Ponce Enrile.

Samantala, sa kasagsagan ng pagdinig ng House Committee on Appropriations marami ang mga kongresistang sumang-ayon na dagdag ang panukalang pondo ng Ombudsman.

Dahil mula sa 2.8 billion pesos na pondong hinihingi nito ay 1.8 billion lamang ang ibinigay ng DBM para sa kanilang panukalang pondo sa susunod na taon.(Grace Casin / UNTV News)

Tags: ,