Pangulong Aquino, handang tumulong sa susunod na pangulo ng bansa

by Radyo La Verdad | December 11, 2015 (Friday) | 1359

JERICO_PNOY
Bukas ang pangulo sa pagtulong sa sinomang papalit sa kaniya bilang Pangulo.

Sa Bulong Pulungan Media Forum kanina, sinabi ng Pangulo na handa siyang magbigay ng payo kapag may nakikita siyang mali sa pamamalakad ng susunod na administrasyon.

Ito ay kahit aniya hindi niya ugali na magbigay ng unsolicited advice.

Ibig ng Pangulo na maging matagumpay ang susunod na administrasyon sa pagpapatuloy ng mga nagawa ng kaniyang pamamahala sa nakalipas na mga taon.

(Jerico Albano/UNTV Radio Reporter)

Tags: , ,