Pangulong Aquino at first family, natapos ng bumoto kaninang pasado alas diyes ng umaga

by Radyo La Verdad | May 9, 2016 (Monday) | 1423

bryan_pnoy
Alas nuwebe ng umaga dumating si Pangulong Benigno Aquino III dito sa Central Azucarera De Tarlac Elementary School kasama ang dalawang kapatid na sina Balssy at Pinky at kanilang mga pamilya.

Agad itong pumunta sa listahan ng mga botante at tinignan ang pangalan saka pumila, dahil sa haba ng pila umabot ng halos 30 minuto si PNoy bago nakapasok ng presinto.

Pagkapasok ay nakipag-kamay pa sa mga tao sa loob ng presinto, naunang bumoto ang kanyang dalawang kapatid.

Nasa mahigit sampung minuto rin nagtagal si PNoy sa loob ng presinto.

Pagkatapos bumoto ay hindi na nagpaunlak pa ng interview ang pangulo at agad na itong umalis kasama ang convoy nito.

Samantala nasa halos dalawag oras naantala ang pagboto sa Precinct #76 dahil isinusuka ng Vote Counting Machines ang mga balota pero bago ito masira nakaboto pa ang nasa dalawang pung botante,pagdating ng spare na VCM mula sa Tarlac City ay agad naman nagpatuloy ang botohan.

May dalawang naitala rin na pumasok ang balota pero walang inilabas na resibo at isang not counted na resibo.

(Bryan Lacanlale / UNTV Correspondent)

Tags: ,