Pangulong Aquino, dadalo sa pagbubukas ng isang Chinese Restaurant sa isang Mall sa Mandaluyong

by Radyo La Verdad | December 7, 2015 (Monday) | 1039

JERICO_PNOY (2)
Panauhing pandangal si Pangulong Benigno Aquino III sa pagbubukas ng isang Chinese Restaurant sa SM Megamall sa Mandaluyong alas seis y media ng gabi mamaya.

Base sa schedule ng Pangulo, sasaksihan nito ang ribbon-cutting ceremony ng Din Tai Fung Restaurant na magbubukas sa ika-8 ng Disyembre.

Pagkatapos nito, magiikot ang pangulo at magsasagawa ng inspection.

Makakasama ng Pangulo sina Finance Secretary Cesar Purisima at Trade Secretary Gregory Domingo.

Inaasahang dadaluhan ito ng isandaan at limampung bisita kabilang sina Eliza Antonino,Abba Napa, at Jon Syjuco ng The Moment Group of Restaurants at si Hansy Sy ng SM Prime Holdings Inc.

(Jerico Albano/UNTV Radio Reporter)

Tags: , , ,