Pang. Duterte, nagpapasalamat sa Kuwait at kinumpirma ang bumuting ugnayan sa bansa

by Radyo La Verdad | May 23, 2018 (Wednesday) | 3282

Nagpasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa bansang Kuwait matapos pirmahan ang kasunduan para sa pangangalaga ng kapakanan ng mga manggagawang Pilipino sa Gulf state.

Kinumpirma rin ng pangulo ang bumubuting relasyon ng Pilipinas sa Kuwait.

Pipirmahan din ng aniya ang kautusang tuluyang mag-aalis sa deployment ban sa pagpapadala ng OFWs oras na matiyak na naipatutupad na ang kasunduan.

Tags: , ,