Pang. Duterte, itinaas na sa P6 million ang pabulum laban sa mga pumatay sa 4 na pulis sa Negros Oriental

by Radyo La Verdad | August 9, 2019 (Friday) | 4587

Anim na milyong pisong halaga ang handang ibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa makakapagsuplong sa lider ng mga pumaslang sa apat na pulis sa Negros Oriental.

Hinihinala ng pamahalaan ang New People’s Army ang nasa likod ng ambush.

Handa ring ipagkaloob ng Presidente ang reward money sa pulis o sibilyang makakatugis sa naturang mga suspek.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa oath-taking ng mga newly-promoted Philippines National Police Generals sa Malacañang kagabi, (Aug. 8, 2019).

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte sa naganap ng aoth-taking, “Kaya itong NPA, nagalit ako dito. Kaya gusto kong malaman kung sila na ba? Kasi kung hindi pa, dadagdagan ko pa ng isang milyon. So, at this time, it is 6 million. Irrespective or civilian, kung sinong makatiklo niyan, six million na ‘yan.”

Samantala, nagpahayag naman ang Pangulo ng kahandaang magkaloob ng sapat na intelligence fund ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglaganap ng cocaine.

“Bakit marami ngayon ang cocaine? Give me the answer. It’s right and left eh. So, I’ll give you enough money for intelligence work. Spend it so that you can solve the problem. Magbibigay ako ng intelligence fund. Just enough,” dagdag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,