Ipinagtanggol ng Malacañang si Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-amin na inimbento lang niya ang umano’y account number ni Sen. Antonio Trillanes IV na nakalagak sa ilang bangko sa Singapore.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, may kanya-kanyang istilo ang bawat tao.
Ayon kay Abella hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang Pangulo ay “Orthodox” at out of the box sa kanyang istilo ng pamamalakad.
Sinabi pa ng spokesman na dapat na hangaan ang Pangulo sa pagiging tapat at pagsasabi ng totoo tungkol sa naturang mga bank account.
Tags: account number, Pangulong Duterte, Spokesperson Ernesto Abella