Pamilya ng mga OFW na nasa death row sa ibang bansa, may apela kay Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | April 26, 2017 (Wednesday) | 4640
Photo credit: Migrante International

Nagtungo sa Malakanyang kanina ang pamilya ng mga Pilipinong nasa death row sa ibang bansa para hilingin kay Pangulong Duterte na isalba ang kanilang kaanak.

Kabilang sa mga ito ang ina ni Mary Jane Veloso na nakakulong ngayon sa Indonesia dahil sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Nahatulan ng bitay si Veloso ngunit ipinagpaliban ito matapos iapela ng nakalipas na administrasyon.

Ang hiling ng grupo ay ginawa isang araw bago ang pagbisita sa bansa ni Indonesian President Joko Widodo.

(Rosalie Coz)

Tags: , ,