Pamilya ng mga nasawing pulis sa misencounter sa Samar, hindi naniniwalang aksidente ang nangyari

by Radyo La Verdad | June 26, 2018 (Tuesday) | 2321

Humihingi ng katarungan ang mga naulila ng anim na police officer na nasawi sa nangyaring misencounter sa pagitan ng 805th Military Police Company ng Regional Mobile Force Batallion at 87th Infantry Batallion sa Sitio Lunoy, Barangay San Roque, Sta. Rita, Samar kahapon.

Labis na naghihinagpis si Nanay Evangeline sa pagkamatay ng kaniyang anak na si PO1 Wyndell Ronomor na magdiriwang sana  ng kaarawan sa Agosto.

Si PO3 Jesie Escalo naman, naniniwalang sadyang inambush ang grupo ng kaniyang kapatid na si PO1 Julie Escalo. Aniya, may mga reported sa kanila na mayroong nasa dalawampung NPA ang palaging nakikita sa lugar.

Samantala, nagpaabot naman ng pakikiramay sa mga naulila ng anim na pulis ang pamunuan ng AFP.

Binigyan naman ng AFP ng katiyakan ang ating mga kababayan na patuloy ang operation ng 8th Infantry Division upang masugpo ang insurhensiya sa rehiyon.

 

( Archyl Egano / UNTV Correspondent )

Tags: , ,