Pagtestigo ni dating Makati City Vice Mayor Ernesto Mercado laban kay Elenita Binay, hindi pinagbigyan ng Sandiganbayan

by Radyo La Verdad | July 20, 2015 (Monday) | 1355

VM MERCADO
Hindi pinagbigyan ng Sandiganbayan 5th division na gawing testigo ng prosekusyon si dating Makati City Vice Mayor Ernesto Mercado laban kay Elenita Binay.

Ayon sa resolusyon ng Korte, hindi naisama ng prosekusyon sa listahan ng kanilang testigo si Mercado noong pre-trial pa lamang ng kaso..

Nais ng prosekusyon na si Mercado ang magturo sa korte ng orihinal na kopya ng Audit report na ginagamit na ebidensya laban kay Binay.

Ngunit paliwanag ng Korte, hindi naman bahagi si Mercado ng audit team kayat hindi na kinakailangan ang kanyang testimonya.

Nahaharap sa kasong graft si Elenita Binay sa 5th division ng Sandiganbayan dahil sa umanoy pagbili ng overpriced office partitions at mga muwebles o furniture ng City Hall taong 1999 at 2000 noong alkalde pa ito ng lungsod.

Tags: ,