Pagtatayo ng kauna-unahang Sports Academy, ikinatuwa ng Pangulo

by Radyo La Verdad | October 8, 2021 (Friday) | 66

Positibo ang naging reaksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa  progreso ng pagtatayo ng kauna-unahang Sports Academy ng bansa sa New Clark City, Tarlac.

Ito ay magsisilbing educational facility ng student Filipino-athletes at inaasahang pasisinayaan bago matapos ang termino ng Pangulo.

Magugunitang inaprubahan  ng punong ehekutibo ang Republic Act 11470 noong Hunyo 2020 na naglalayong magtatag ng National Academy of Sports sa bansa.

Sa ilalim ng batas, maglalaan ng sapat na pondo ang pamahalaan upang magpatayo ng mga sport facility at bibigyan ng full scholarship ang mga kwalipikadong atleta upang mahasa ang angking talento at galing sa larangan ng sports.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)

Tags: