Pinagaaralan na ni former Justice Secretary Silvestro Bello The Third ang mga repormang uunahin niyang ipatupad sa sector ng paggawa matapos na tanggapin ang alok ni Presumptive President-Elect Rodrigo Duterte na maging kalihim ng Department of Labor and Employment.
Dagdag ni Bello, kailangan pa ring dumaan sa masusing pagaaral at mga konsultasyon ang mga hakbang na ito lalo na sa mga stakeholder na posibleng maapektuhan.
Nais ring tutukan ni Bello ang kapakanan ng mga overseas Filipino workers lalo na ang mga biktima ng pang-aabuso.
Kaugnay naman ng plano ni Duterte na pagtatatag ng hiwalay na departamento na tututok sa overseas workers, ayon kay Bello, isa itong magandang hakbang ngunit nangangailangan pa rin ito ng masusing pagaaral.
(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)
Tags: incoming DOLE Sec. Bebot Bello III, pagtataas sa sahod, Pagtatanggal ng contractualization