Pagtanggap ng mga police recruit applicant, uumpisahan na sa Pebrero ng PNP

by Radyo La Verdad | January 6, 2016 (Wednesday) | 1298

PNP
Uumpisahan na sa buwan ng Pebrero ng Philippine National Police ang pagtanggap ng mga police recruit applicant sa buong bansa.

Sampung libong bagong aplikante ang kailangan ng PNP mula sa lahat ng Regional Police Office.

Dahil dito puspusan ang kanilang panawagan at panghihikayat sa mga naghahanap ng trabaho na pasukin ang pagiging isang pulis.

Wala itong tuition o application fee.

Sakaling pumasa sa mga isasagawang exam, sasabak sila sa training sa police basic recruit course at may tatanggapin nang sweldo.

Sa ngayon nanatiling malaki pa rin ang kakulangan ng hanay ng mga kawani ng pambansang pulisya.

Tags: , ,