Pagtanggap ng mga estudyante sa mga state universities and colleges, dapat higpitan ng CHED

by Radyo La Verdad | August 11, 2017 (Friday) | 3902

Nangangamba ang ilang mga kongresista sa posibilidad na samantalahin ng ilan ang libreng tuition na ipagkakaloob ng pamahalaan sa mga estudyante sa mga state universities at colleges.

Possible anilang dumagsa ang bilang ng mga enrolee at transferee mula sa mga pribadong unibersidad dahil sa libreng tuition. Kaya naman kinakailangan anilang higpitan ng CHED ang kanilang mga polisiya sa pagtanggap ng mga estudyante sa mga SUC.

Ito’y upang matiyak na maibibigay lamang ang libreng tuition sa mga estudyanteng kwalipikado lamang na makakuha nito. Gaya na lamang aniya ng sitwasyon sa University of the Philippines, kung saan  may ilang mga estudyante ang may kakayanan naman aniya na makapagbayad ng kanilang matrikula.

Sa inisyal na pagtaya ng CHED, tinatayang aabot sa higit apat na raang mga estudyante na graduate ng senior high ang inaasahang mageenrol sa mga SUC sa susunod na school year.

 

(Joan Nano / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,