Pagtanggap ng COC para sa brgy at SK elections, sisimulan na ng COMELEC sa Sept. 23

by Radyo La Verdad | September 8, 2017 (Friday) | 2596

Simula sa September 23, araw ng Sabado ay maari nang magpasa ng kanilang Certificate of Candidacy ang mga nais na tumakbo sa barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre.

Inilabas ng Commission on Elections ang kanilang abiso tungkol dito kahit na hinihintay pa rin nila ang desisyon ng kongreso kung itutuloy pa o ipagpapaliban ang October polls.

Ayon sa COMELEC, isang barangay chairperson at pitong miyembro ng Sangguniang Barangay ang pupunang posisyon.

Isang  Sangguniang Kabataan Chairperson at pitong myembro rin ng Sanguniang Kabataan naman ang pupunuang posisyon sa Youth Council

Tatanggap ang COMELEC ng COCs hanggang September 30.

 

 

Tags: , ,